Friday, May 21, 2010

Pansamantalang Pamamaalam

Si Tatay ay isang mapagmahal na asawa, maunawain na ama, maalagang lolo, mapagbigay na kapatid, tapat na kaibigan at magaling na manggagamot. Hindi siya nagkulang sa pangaral niya sa mga malalapit sa kanya. Kahanga-hanga ang talino at tapang ni Tatay. Pero sa kabila nito, simple lang naman ang gusto niya. Ang makasalo sa pagkain at makakwentuhan kahit sandali ang kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit kung minsan, hindi natin siya napagbibigyan sa gusto niya. Patawad po, Tay. Patawad po sa pagiging abala namin sa trabaho at ibang bagay.

Kaisa ng pamilya Santos, taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga taong naka-alala at naka-dalo ngayon at nitong nakaraang apat na araw.

Salamat sa mga kapamilya at kaibigang nakiramay, tumulong at nagpayo. Sa mga ganitong pagkakataon, sa inyo lang kami kumukuha ng lakas.

Maraming salamat sa lahat ng naki-simpatya at nagdasal.

Ngayong ika-labing lima ng Mayo taong 2010, ang ating pinakamamahal na si Tatay Rudy ay ihahatid na natin sa kanyang huling hantungan. Salamat po, Tatay, sa mga magagandang alaala. Mamimiss ka namin. Paalam na po muna. Makikita ka namin muli.


-Funeral Mass for our late Rodolfo G. Santos. May you rest in peace.

No comments:

Post a Comment